19
Jun
Author: Tuklas // Category:
Bayani - Jose P. Rizal
 |
Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda[1] na ipinanganak nuong ika-19 ng Hunyo 1861 ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
Nagpakita siya ng pagmamahal sa ating bansa sa papamagitan ng pagiging isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan.
Sa kanyang 149 na kaarawan kami ay bumabati ng isang maligayang araw ng kapanganakan sa iyo, Dr. Jose Protacio Rizal. |
Isang diretsahang tanong, mahal mo pa ba ang sarili mong wika?
Basahin ang tulang ito na isinulat ng isang walong taong gulang na bata, na sa murang edad ay kanya ng binigyang kahalagahan ang sariling wika. Unang tula na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Ang tulang ito ay paala-ala para sa ating lahat, na ang wikang Pilipino ay isang biyaya na dapat nating mahalin at pagyamanin.
| SA AKING MGA KABATA
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una. |
TO MY FELLOW YOUTH
Whenever people of a country truly love
The language which by heav’n they were taught to use
That country also surely liberty pursue
As does the bird which soars to freer space above.
For language is the final judge and referee
Upon the people in the land where it holds sway;
In truth our human race resembles in this way
The other living beings born in liberty.
Whoever knows not how to love his native tongue
Is worse than any beast or evil smelling fish.
To make our language richer ought to be our wish
The same as any mother loves to feed her young.
Tagalog and the Latin language are the same
And English and Castilian and the angels’ tongue;
And God, whose watchful care o’er all is flung,
Has given us His blessing in the speech we claim,
Our mother tongue, like all the highest that we know
Had alphabet and letters of its very own;
But these were lost — by furious waves were overthrown
Like bancas in the stormy sea, long years ago. |
15
May
Author: Tuklas // Category:
Uncategorized
Isa sa pinakamagarbong kapistahan dito sa Pilipinas ay ang Pahiyas Festival ng Lucban Quezon. Ito ay nagaganap tuwing ika-15 ng Mayo bilang pasasalamat sa magandang ani na kanilang tinatamasa sa buong taon. Ang mga bahay ay pinapalamutian ng makukulay na “kiping” na gawa sa dinikdik na bigas at ibinabad sa makukulay na food coloring.
Maliban sa mga pinalamutiang bahay, nagkaroon din prosisyon at parada na binubuo ng mga banda at musiko habang sumasayaw ang mga dilag sa saliw ng kanilang tugtog.
08
Jan
Author: Tuklas // Category:
Philippine Treasure
07
Jan
Author: Tuklas // Category:
Philippine Treasure