Araw ng Pagkakaibigang Pilipino at Amerikano

Author: Tuklas  //  Category: Philippine Trivia

Ngayon ipinagdiriwang ang Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Amerikano o Filipino-American Friendship Day. Ito ay itinilaga ni Pangulong Diosdado Macapagal para alalahanin ang paglaya ng bansang Pilipinas sa pamamagitan ng magkasanib na mga puwersang Pilipino at Amerikano mula sa pagsalakay ng puwersa ng Imperyong Hapon noong katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Isang teritoryong sakop ng Estados Unidos ang Pilipinas mula 1898 hanggang 1942, kung kailan inokupa ito ng puwersang Hapon, at muling naging angkin ng Amerika sa maikling panahon matapos ang digmaan. Natanggap ng bansa ang lubos na paglaya noong Hulyo 4, 1946.

Alam nyo ba na ang ating Araw ng Kalayaan ay isinasagawa rin tuwing Hulyo 4. Subalit inilipat ito ni Pangulong Diosdado Macapagal sa Hunyo 12, ang petsa kung kailan idineklara ng Pilipinas ang kaniyang kalayaan mula sa Espanya noong 1898. Gayunpaman, upang kilalanin at alalahanin pa rin ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Amerikano, nilikha ang Filipino-American Friendship Day, na kasabayan ng Hulyo 4, ang Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos.

My Dearest Son

Author: Tuklas  //  Category: Benigno Aquino III

My dearest Son,

One of these days, when you have completed your studies I am sure you will have the opportunity to visit many countries. And in your travels you will witness a bullfight.

In Spanish bullfighting as you — now a man — know, the matador is pitted against an angry bull. The man goads the bull to extreme anger and madness. Then a moment comes when the bull, maddened, bleeding and covered with darts, feeling his last moment has come, stops rushing about and grimly turns his face on the man with the scarlet ‘muleta’ and sword. The Spaniards call this ‘the moment of truth.’ This is the climax of the bullfight.

This afternoon, I have arrived at my own moment of truth. After a lengthy conference with my lawyers, Senators Jovito R. Salonga and Lorenzo Tañada, I made a very crucial and vital decision that will surely affect all our lives: Mommy’s, your sisters’, yours and our entire loved ones as well as mine.

I have decided not to participate in the proceedings of the Military Commission assigned to try the charges filed against me by the army prosecution staff. As you know, I’ve been charged with illegal possession of firearms, violation of R.A. 1700, otherwise known as the ‘Anti-Subversion Act,’ and murder.

You are still too young to grasp the full impact of my decision. Briefly, by not participating in the proceedings, I will not be represented by counsel; the prosecution will present its witnesses without any cross examinations; I will not put up any defense; I will remain passive and quiet through the entire trial; and I will merely await the verdict. In as much as it will be a completely one-sided affair, I suppose it is reasonable to expect that the maximum penalty will be given to me. I expect to be sentenced to imprisonment the rest of my natural life, or possible be sent to stand before a firing squad. By adopting the course of action I decided upon this afternoon, I have literally decided to walk into the very jaws of death.

You may ask: ‘Why did you do it?’

Son, my decision is an act of conscience. It is an act of protest against the structures of injustice that have been imposed upon our hapless countrymen. Futile and puny as it will surely appear too many, it is last my act to defiance against tyranny and dictatorship.

You are my only son. You carry my name and the name of my father. I have no material wealth to leave you; I never had time to make money while I was in the hire of our people. For this I am very sorry. I had hopes of building a little nest egg for you. I bought a ranch in Masbate in the hope that after 10 or 15 years, the coconut trees I planted there would yield enough to assure you a modest but comfortable existence. Unfortunately, I had to sell all our properties as I fought battle after political battle as a beleaguered member of the opposition. And after the last battle, I had more obligations than assets.

The only valuable asset I can bequeath to you now is the name you carry. I have tried my best during my years of public service to keep that name untarnished and respected, unmarked by sorry compromises for expediency. I now pass it on to you, as good, I pray, as when my father, your grandfather, passed it on to me.

I prepared a statement, which I intended to read before the Military Commission on Monday at the opening of my trial. I hope the commission members will be understanding and kind enough to allow me to read my statement into the record. This may well be my first and only participation in the entire proceedings.

In this statement I said: Some people suggested that I beg for mercy from the present powers that be. Son, this I cannot do in conscience. I would rather die on my feet with honor, than live on bended knees in shame.

Your great-grandfather, General Servillano Aquino, was twice condemned to death by both the Spaniards and the American colonizers. Fortunately, he survived both by a twist of fate. Your grandfather, my father, was also imprisoned by the Americans because he loved his people more than he Americans who colonized us. He was finally vindicated. Our ancestors have shared the pains, the sorrows and the anguish of Mother Filipinas when she was in bondage.

It is a rare privilege for me to join the Motherland in the dark dungeon where she was led back by one of her own sons whom she lavished with love and glory.

“I ended my statement thus: I have chosen to follow my conscience and accept the tyrant’s revenge.

It takes little effort to stop a tyrant. I have no doubt in the ultimate victory of right over wrong, of good over evil, in the awakening of the Filipino.

Forgive me for passing unto your young shoulders the great responsibilities for our family. I trust you will love your mother and your sisters and lavish them with the care and protection I would have given them.

I was barely 15 years old when my father died. His death was my most traumatic experience. I loved and hero-worshipped him so much; I wanted to join him in his grave when he passed away. But as in all sorrows, eventually they are washed away by the rains of time.

In the coming years, I hope you will study very hard so that you will have a solid foundation on which to build your future. I may no longer be around to give you my fatherly advice. I have asked many of your uncles to help you along should the need arise, and I pray you will have the humility to drink from their fountain of experience.

Look after your two younger sisters with understanding and affection. Viel and Krissy will need your umbrella of protection for a long time. Krissy is still very young and fate has been most unkind to both of us. Our parting came too soon. Please make up for me. Take care of her as I would have taken care of her with patience and warm affection.

Finally, stand by your mother as she stood beside me through the buffeting winds of crisis and uncertainties, firm and resolute and uncowed. I pray to God you inherit her indomitable spirit and her rare brand of silent courage.

I had hopes of introducing you to my friends, showing you the world and guiding you through the maze of survival; I am afraid you will now have to go it alone without your guide.

The only advice I can give you: Live with honor and follow your conscience.

There is no greater nation on earth than our Motherland. No greater people than our own. Serve them with all your heart, with all your might and with all your strength.

Son, the ball is now in your hands.

Lovingly,

Dad

(Ninoy’s letter to Noynoy)

Inaugural Address of President Benigno Aquino III

Author: Tuklas  //  Category: Benigno Aquino III
Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktadurya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na po kami ng dugo at handa kong gawin ito kung muling kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa – nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din – talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito – dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman po ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

· dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;
· serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;
· tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga ng tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin na ang papasok na Secretary Alcala ay magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili – lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap lamang ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA at ng OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proceso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusiyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayaan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong maulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatan na ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang aking taos-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Ang Sarap Panuorin ng Metro Manila Nuon

Author: Tuklas  //  Category: Metro Manila

Karitela, baro at saya, malinis na ilog at kalabaw sa kalsada.
Yan ang Metro Manila nuon, maunlad, malinis, may yabang!

Dahil ngayon ay Araw ng Maynila, sabay sabay nating panuorin at pangarapin na sana magbalik muli ang tinaguriang Manila, Queen City of the Pacific.

Tuklasin ang Pilipinas

Author: Tuklas  //  Category: Philippine Treasure

Ang ating bayang Pilipinas. Dahil tayo ay dito lamang nakatira, maraming magagandang bagay ang di natin napapansin hinggil sa ating Bansa.

Halimbawa – Alam mo ba na isa ang Pilipinas sa pinakamura tirahan. Oo. kaya kadalasan marami kang makikitang mga may edad na dayuhan na pinili ng tumira sa ating bansa. Sapagkat sa kanilang pag reretiro ang kanilang pensyon ay halos di sapat sa kanilang sinilangan bansa.  Subalit kung dito sila titira, ang kanilang pensyon ay sapat na upang mamuhay sila ng maginhawa.

Kaya kung ikaw ay OFW (Overseas Filipino Worker) dapat ay mag invest ka sa ating bayan. Sapagkat san pa ba maganda mag retiro, kundi sa sarili mong bayan.

Kumpara sa ibang bansa na binubuo ng ilang isla lamang, tayo may pitong libo at isang dahan mahigit ng mga isla. At ang bawat pulo na mga ito ay may natatanging kulutura at tanawin na maihahain sa bawat manlalakbay.

Oo. Dito ka lamang nakatira. Ilang isla na ba ang iyong nabisita? Ilang mga hayop, isda, ibon  at halaman ba ang iyong nasilayan na dito mo lang makikita sa ating bansa

Sa pamamagitan ng blog na ito. Nais ko kayong kumbisian na tuklasin ang ating sariling bansa.

linkdock.com
Privacy