Ang Matandang Callao Man sa Callao Cave

Author: Tuklas  //  Category: Philippine Treasure, Philippine Trivia

Tabi-tabi Tabon man, nandito na si Callao man, ang sinasabing pinakamatandang human fossil na nadiskubre sa kueba ng Callao sa Cagayan.

Ayon kay Armand Mijares of the Archaeology Studies Program at UP Diliman, ang nahukay na human fossil ay maaring 67,000 taon na, mas matanda sa Tabon man na natagpuan naman sa Palawan.
Ito na rin marahil ang pinakamatandang human fossil na nahukay sa Asia-Pacific.

Bagamat hindi masabi kung ang buto na nakuha ay sa babae or lalaki, kinumpirma naman na ang buto na ito ay sa tao. At nuong Mayo ng nakaraang taon lamang nalaman ng grupo ni Mijares ang maaring edad ng buto na kanilang nahukay.

Ang ulat na ito ay inilathala sa Journal of Human Evolution Vol. 30, April 8, 2010 kung saan isa si Mijares sa mga awtor.

Pinakamalakas na Bagyo sa Pilipinas

Author: Tuklas  //  Category: Philippine Trivia

Ngayong araw na ito binagyo na naman ang Manila. Habang nahihimbing ang karamihan sa pag-tulog ay sabay naman ang pag-ihip ng lakas ng hangin ni lola Basyang.

Pero alam nyo ba kung ano ang pinakamalakas na bagyo ang tumama sa Pilipinas?

Sa talaan ng Pagasa, ang limang itinuturing pinakamalakas na mga bagyo ay sina Reming (Nov 26-Dec 1, 2006) 320 kph; Sening (Oct 11-15, 1970) 275 kph; Rosing (Oct 30-Nov 4, 1995) 260 kph; Anding (Nov 21-27, 1981) 260 kph; at Loleng (Oct 15-24, 1998) 250 kph.

Sa ipinalabas na ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services, Administration (PAGASA), sinasabing nahigitan ng ulan ni “Ondoy” ang bagyong tumama noong June 1967 sa nagpakawala ng maraming tubig.

Pinapaniwalaan na umabot sa 341.3 mm ang dami ng ulan na ibinuhos ni ‘Ondoy’ sa Quezon City mula 8 a.m. hanggang 2 p.m. noong Sept. 26. Halos katumbas na nito ang 391.7 mm average na ulan na ibinuhos ng mga bagyo sa buong buwan ng Setyembre.

Sa kabila ng maraming tubig, naging mahina naman ang hangin ni ‘Ondoy’ na umabot lang sa pinakamalakas na 65 kph malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 80 kph.

Araw ng Pagkakaibigang Pilipino at Amerikano

Author: Tuklas  //  Category: Philippine Trivia

Ngayon ipinagdiriwang ang Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Amerikano o Filipino-American Friendship Day. Ito ay itinilaga ni Pangulong Diosdado Macapagal para alalahanin ang paglaya ng bansang Pilipinas sa pamamagitan ng magkasanib na mga puwersang Pilipino at Amerikano mula sa pagsalakay ng puwersa ng Imperyong Hapon noong katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Isang teritoryong sakop ng Estados Unidos ang Pilipinas mula 1898 hanggang 1942, kung kailan inokupa ito ng puwersang Hapon, at muling naging angkin ng Amerika sa maikling panahon matapos ang digmaan. Natanggap ng bansa ang lubos na paglaya noong Hulyo 4, 1946.

Alam nyo ba na ang ating Araw ng Kalayaan ay isinasagawa rin tuwing Hulyo 4. Subalit inilipat ito ni Pangulong Diosdado Macapagal sa Hunyo 12, ang petsa kung kailan idineklara ng Pilipinas ang kaniyang kalayaan mula sa Espanya noong 1898. Gayunpaman, upang kilalanin at alalahanin pa rin ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Amerikano, nilikha ang Filipino-American Friendship Day, na kasabayan ng Hulyo 4, ang Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos.

linkdock.com <body><a href="http://linkdock.com?epl=QRmxsv1RJ0m2b5mYQG3sk0DfZUgSJBROkdzFX980haIdGWI9ohzcgkqUweAC8YyshgYaFHf94KKjjUnmBokCPsCowWwyhY_DHfbpJy4qkpkpIrW8kJLMurai7LbeFlaD8gaTe5ocD96cUuoBYgCBkVE9NUDpUT8oT5nG1FM9UttTNWQAIJDer78AAOB_AQAAQIDbCgAAfZchSVlTJllBMTZoWkKQAAAA8A">Click here to go to linkdock.com</a>.</body>