Si Venue Raj, a proud Filipina. Kung hindi nya pinaglaban ang karapatang maibalik sa kanya ang korona bilang Bb. Pilipinas-Universe ay di natin alam ang magiging kapalaran ng ating kandidata sa ginanap na Miss Universe.
Siya ay nagtapos sa ika-limang puwesto sa nasabing timpalak na pinanalunan ni Jimena Navarette ng Mehiko. Pero para sa ating mga Pilipino sa buong mundo, sya ang natatanging Miss Universe.
Sino si Venus Raj
Si Venus Raj ay ipinanganak nuong Hulyo 7, 1988 sa Doha, Qatar sa amang si Vincent Raj at inang si Ester Bayonito subalit sya ay lumaki sa Bato, Camarines Sur matapos maghiwalay ang kanyang ama at ina. Sa pagtutulungan ng mga magkakapatid at ng kanyang ina, sila ay namuhay bilang magsasaka at pagtatahi. Sa palayan ng ang unang entablado ni Venus kung saan sya ay nasanay sa paglalakad tulad ng isang modelo sa makipot na daanan ng palayan.

Si Venus Raj ay nagtapos ng pag-aaral sa Bicol University sa Albay sa tulong ng scholarship mula sa Francis Papica Foundation. Siya ay nagtapos nang may karangalang cum laude sa kursong A.B. Communication Arts (major in Journalism).
17 taong gulang ng sya ay magsimulang sumali sa mga beauty contest. Ang unang titulong napanalunan ni Raj ay ang Miss Camarines Sur at noong 2007 ay itinanghal si Raj bilang Miss Bicolandia. Sa kasunod na taon, siya ay nagkamit ng titulong Miss Earth Eco-Tourism at noong 2010 ay itinanghal siyang Bb. Pilipinas-Universe.
Venus Raj sa Miss Universe 2010
Buong husay na ipinakita ni Venus ang kagandahan ng Filipina sa nakaraang Miss Universe. Isa sya sa mga paboritong kalahok ng gabing iyon. Mula sa Top 15, kung saan sya ang huling tinawag ay dumagundong na sa lakas ng palakpakan ang loob ng Mandalay Bay, Las Vegas. Hanggang sya nga ay makaabot sa Top 5 kasama sina Anna Poslavskaya ng Ukraine, Jesinta Campbell ng Australia, Yendi Phillips ng Jamaica, at si Miss Universe 2010 Jimena Navarette ng Mehiko.
Sa tanong ng huradong si William Baldwin na, “Ano ang malaking pagkakamaling nagawa mo sa iyong buhay, at ano ang ginawa mo upang maitama ito?” ang sagot ni Raj ay, “Sa 22 taon ng aking buhay, wala pa akong nagawang malaking pagkakamali (major, major problem) dahil kampante ako sa aking pamilya at sa pagmamahal na ibinigay nila sa akin.”
Ang sagot niya ay biglang sumikat sa Internet at ang keyword na “major, major” ay naging pinaguusapang paksa sa social networking sites.
Tags: Bb. Pilipinas, Filipina, Miss Universe