Pinakamalakas na Bagyo sa Pilipinas

Author: Tuklas  //  Category: Philippine Trivia

Ngayong araw na ito binagyo na naman ang Manila. Habang nahihimbing ang karamihan sa pag-tulog ay sabay naman ang pag-ihip ng lakas ng hangin ni lola Basyang.

Pero alam nyo ba kung ano ang pinakamalakas na bagyo ang tumama sa Pilipinas?

Sa talaan ng Pagasa, ang limang itinuturing pinakamalakas na mga bagyo ay sina Reming (Nov 26-Dec 1, 2006) 320 kph; Sening (Oct 11-15, 1970) 275 kph; Rosing (Oct 30-Nov 4, 1995) 260 kph; Anding (Nov 21-27, 1981) 260 kph; at Loleng (Oct 15-24, 1998) 250 kph.

Sa ipinalabas na ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services, Administration (PAGASA), sinasabing nahigitan ng ulan ni “Ondoy” ang bagyong tumama noong June 1967 sa nagpakawala ng maraming tubig.

Pinapaniwalaan na umabot sa 341.3 mm ang dami ng ulan na ibinuhos ni ‘Ondoy’ sa Quezon City mula 8 a.m. hanggang 2 p.m. noong Sept. 26. Halos katumbas na nito ang 391.7 mm average na ulan na ibinuhos ng mga bagyo sa buong buwan ng Setyembre.

Sa kabila ng maraming tubig, naging mahina naman ang hangin ni ‘Ondoy’ na umabot lang sa pinakamalakas na 65 kph malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 80 kph.

Tags: ,

Leave a Reply