Sa Aking Mga Kabata ni Jose P. Rizal

Author: Tuklas  //  Category: Bayani - Jose P. Rizal, Mga Tula ni Jose Rizal

Isang diretsahang tanong, mahal mo pa ba ang sarili mong wika?

Basahin ang tulang ito na isinulat ng isang walong taong gulang na bata, na sa murang edad ay kanya ng binigyang kahalagahan ang sariling wika. Unang tula na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ang tulang  ito ay  paala-ala para sa ating lahat, na ang wikang Pilipino ay isang biyaya na dapat nating mahalin at pagyamanin.

SA AKING MGA KABATA

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Ang batang Jose Rizal, edad 13
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

TO MY FELLOW YOUTH

Whenever people of a country truly love
The language which by heav’n they were taught to use
That country also surely liberty pursue
As does the bird which soars to freer space above.

For language is the final judge and referee
Upon the people in the land where it holds sway;
In truth our human race resembles in this way
The other living beings born in liberty.

Whoever knows not how to love his native tongue
Is worse than any beast or evil smelling fish.
To make our language richer ought to be our wish
The same as any mother loves to feed her young.

Tagalog and the Latin language are the same
And English and Castilian and the angels’ tongue;
And God, whose watchful care o’er all is flung,
Has given us His blessing in the speech we claim,

Our mother tongue, like all the highest that we know
Had alphabet and letters of its very own;
But these were lost — by furious waves were overthrown
Like bancas in the stormy sea, long years ago.

Tags: ,

Leave a Reply